Ano ba ang Pinakamahalaga, CWTS, LTS o ROTC?

Ellaine Zulueta
Ang CWTS ( Civic welfare training service), LTS (Literacy Training Service) at ROTC ( Reserve Officer’s Training Corps) ay ang tatlong bahagi na bumubuo sa NSTP (National Service Training Program). Ang NSTP ay kilala din bilang ” Aksyon sa Pagpapatupad ng National Service Training Program para sa mga estudyanteng nasa kolehiyo, tumutukoy sa Republic Act No. 7077 at Presidential Decree no. 1706, at sa iba pang layunin” o Republic Act No. 9163. Ito at nilagdaan sa batas noong ika- dalawampu’t tatlo ng Enero, dalawang libo at dalawa. Pinapakita nito na dapat tayong maglingkod at protektahan ang ating bansa at mga mamayan ng ating bansang Pilipinas. Isa sa mga programa ng NSTP ang kailangang kunin ng isang istudyante sa kolehiyo. Ang pangunahing layunin ng NSTP ay ang pagpataas ng pagkakaisa ng mga kabataan. Hinihikayat nito ang mga kabataan na maglingkod sa bayan at mag prisinta sa panahon ng pangangailangan ng kanilang serbisyo. Pero ano nga ba ang pinakaimportante sa tatlo? Ang CWTS o Civic Welfare Training Service ay isang aktibidad na may malaking dulot sa kalusugan, edukasyon, kapaligiran, kaligtasan, mga nilikha at ang pag uugali ng mga tao. Sa aktibidad na ito ipinapairal ang importansya ng pagtulong sa kapwa o mamamayan sa pamamagitan ng mga programa at mga aktibidad. Nagpopokus din sila sa mga programa upang mapaganda o mapaayos ang mga kondisyon sa buhay ng mga mamamayan. Kabilang sa mga programa dito ay ang paglilinis ng kapaligiran, dagat, pangangalaga ng kalikasan, pagpapakain sa mga taong kapos sa pera at pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pagkain, damit, tsinelas at mga kagamitan sa eskwelahan. Sa kabilang banda ang LTS o Literacy Training Service ay nakapokus naman ang mga kabataan sa pagtuturo ng mga pang akademiko na maaari nating gamitin sa ating pang araw araw na pamumuhay at upang maabot ang ating mga mga pangarap sa buhay. Ito ay naayon ay para mga estudyanteng gustong maging guro. Layunin ng LTS na mahasa ang mga kabataan upang maglingkod sa mga mag aaaral at magturo ng mga aralin di Lang sa eskwelahan, kundi sa labas Ng paaralan at pati na rin sa mga taong nangangailangan ng kanilang serbisyo. Kung ang CWTS ay nakapokus sa mga aktibidad at programa na makakatulong sa mga mamamayan at iba pa, at ang LTS ay nakapokus sa pagtuturo ng mga aralin sa mga nangangailangan, ang ROTC o Reserve Officers’ Training Corps naman ay nakapokus sa paghahanda para kaligtasan at sekyuridad ng mga mamamayan atng ating bansa. Layunin ng ROTC na magbigay ng mga kaalaman at mga pagsasanay para sa mga kabataan na maging handa para sa ipagtanggol ang bayan. Ang pangunahing layunin nito ay paghahanda sa mga estudyanteng nasa kolehiyo para sa magserbisyo sa Armed Force of the Philippines sa panahon ng pangangailangan at sila ay magsasanay upang maging isang tagapaglingkod at maging isang deriktuyo ng AFP.
Base sa tatlong bahagi ng NSTP na nabanggit at kung ako ang tatanungin kung ano ang pinakaimportante, para sa akin ang pinakaimportante ay ang ROTC at dapat itong ipalaganap sa ating bansa. Ito ang aking napili sapagkat dapat tayong magbuwis o mag alay ng buhay para sa ating bansa. Sa pamamagitan ng ROTC makakatuto tayong maging isang lider, maging isang mabuting tagasunod sa ating lider at mahahasa din ang ating pagiging isa para sa ating bayan. Dapat tayong maging isang matapang na tao pero disiplinado, di lang alam ang salitang desiplinado bagkus maging isang taong desiplinado. Mas mainam na din para sa mga kabataan ngayon na mag ROTC sapagkat karamihan ay hindi desiplinado. Sa panahon ngayon di pa ganun kalakas ang ating bansa laban sa ibang bansa kaya’t dapat tayong magpursige upang palakasin at ihanda ang lahat ng tao para handa at may laban tayo kung may darating na mananakop. Ang pag aaalaga sa mga kalikasan at pagtulong sa kapwa na ginagawa sa CWATS ay ating responsibilidad bilang mamamayan kayat para sa akin di na natin kailangan pang pagtuunan ng pansin ang ganoong bagay at di na natin kailangan pa ng mga programa upang makatulong dahil nasasayo na din kung gusto mong tulungan ang mga tao sa paligid mo. At ang edukasyon naman panahon ngayon ay madali nating makukuha sa mga paaralan kaya’t ang paghahanda para sa mga pagsubok sa ating bayan ang pinakaimportante sa akin. Wag nating iasa ang kapakanan ng ating sariling bansa sa mga kamay ng ibang bansa bagkus dapat tayong maging handa. Mayaman ang ating bansa lalo na sa mga likas na yaman at hindi posibleng magkaroon ng interes ang mga dayuhan upang sakupin ang ating bansa. Wag tayong papayag na mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan na pang aabuso sa ating mga ninuno ng mga dayuhan. Ipaglaban at pahalagahan natin ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa ating tinatamasang kalayaan ngayon. Ang pag kukuha ng ROTC ay maraming benepisyo, kapag nakatapos ka sa pagROTC at nagkaroon ka ng sertipiko maaari kang hubugin upang magkaroon ng trabaho. Ang ibang bansa nga’y nagbibigay at naglalaan din ng kanilang oras upang magsanay upang magserbisyo sa bayan. Hindi natin nanaisin na maging alipin sa ating sariling bansa at pinaghaharian tayo ng mga mananakop. Sa pagkuha ng ROTC ay makakaranas ka ng mga pagsubok na mapupulutan natin ng aral na magagamit natin sa ating pang araw araw na pamumuhay. Dito mo rin natin malalaman kung handa ka bang magtrabaho o magserbisyo para sa bayan. Malaking dulot ang pagpapatupad na dapat kunuha ng ROTC lahat ng mga mag aaral lalo na sa kolehiyo.
Ang NSTP ay malaking tulong para sa ating lahat, sa mga mamamayan at sa ating bansa. Sa pamamagitan ng NSTP di dapat natin kalimutan ang kapakanan ng ating bansa at ang lahat ng mga nasasakupan nito. Di lang puro sarili lang natin ang ating dapat iisipin at maging madamot para sa mga bagay na meron tayo at wala ang iba. Ito rin and nag uudyok sa atin upang maging isa anuman ang ating kalagayan sa buhay, mayaman man o mahirap, maputi man o hindi, masama man o mabuti para sa ating bansang Pilipinas. May tatlong bahagi ang NSTP: ang CWATS kung saan pagtulong sa kapwa at pangangalaga sa kalikasan nakatuon, ang LTS na sa pagtuturo ng akademiko sa mga mamamayan at nangangailangan naman ang layunin, at ang huli ay ang ROTC kung saan nakapokus sa pagligtas, paghahanda at pagbigay kaalaman tungkol sa mga pangunahing gawain sa panahon ng pangangailangan. Ang tatlong bahagi ng NSTP ay kailangan ng ating bansa upang maahon tayo sa kahirapan at maging matagumpay sa kinabukasan pero para sa akin ROTC ang pinakaimpotante at dapat nating lubos na pagtuunan sapagkat ang nakataya dito ay ang ating Inang bayan. Inang bayan na dapat nating ipaglaban at pangalagaan. Tayo lang ang makapag aangat at makapagliligtas sa ating bansa at hindi ang iba. Ang pagtutulong tulong at pagiging isa ay malaking dulot upang maging malakas at may laban sa iba kulang man tayo sa mga armas. Ang mahina ay lalakas kung may pagkakaisa, di man ganun katatag ang ating pandigma darating din ang araw na kaya na nating makipagsabayan sa ibang bansa at sana kapag dumating ang araw na iyon marunong pa rin tayong mapagkumbaba, mabuti at di magyabang sa iba.

References:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Reserve_Officers%27_Training_Corps_(Philippines)
http://cwts.weebly.com

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s