Pagbabawal sa Paggamit ng Plastic

Donnalyn delos Santos

Hindi dapat pagbawalan ng gobyerno ang publiko na gumamit ng mga plastic bags dahil ito ay mapapalitan ng mga paper bags at reusable bags—mga materyales na maaaring maging sanhi ng maraming isyu sa kapaligiran at kalusugan. Narito ang ilang mga problemang maaaring maidulot ng mga alternatibo para sa plastic bag.Lalong mapapalawak ng pagbabawal ng plastic bags ang mga alalahaning kaugnay ng paper bags na maaaring kumansela sa kapasidad nitong mabulok, ang pangunahing dahilan kung bakit inirerekomenda ito bilang kapalit ng plastic bags.Sumasakop ang papel ng 9 beses na espasyo kaysa sa plastic at hindi rin nabubulok kaagad. Ang pagbabawal sa plastic bags ay hindi makatutulong ng malaki para sa kapaligiran. Sa pagtaas sa paggamit at produksiyon ng papel, maaari itong magpalala ng mga problema sa kapaligiran.
Marami nang bayan at lungsod Ang nagbabawal sa kani kanilang mamama Yan na huwag gumamit NG plastic bags,cups supot at iba pa pang gamit na plastik. Ang sinumang establishemento na mahuling gumagamit NG plastik na supot o nag at pagmumulatahin sa unang paglabag at sa ikalawang paglabag ay babawiin Ang lisensya. Ang bayan NG mogpog Ang unang nagbawal sa paggamit NG plastik sa kaprobinsiyahan NG Marinduque. At kalaunan nadiskubre NG ibang kabayanan dito sa Marinduque Ang pagbabawal nang plastik. At ngayon sa buong Marinduque na ipinagbabawal ang plastic. Bawal na bawal na talaga Ang plastik ngayon sapagkat itoy karagdagang basura sa ating kapaligiran. Ang plastic ay hnd agad agad natutunaw, Ang plastik ay umaabot NG dalawamput taon bago Ito matunaw, Kaya Naman dapat Itong ipagbawal.
Base sa artikulo na nabasa NG manunulat Ang pagbabawal NG plastic ay unang sinimulan sa lungsod ng muntinlupa at sa katagalan ay itoy kumalat at ginaya. NG ibat ibang lugar dito sa pilipinas. Marami nang namumulat sa masamang dulot NG plastic at may mag ilang tumuligsa Naman na Hindi raw dapat isisi a plastic Ang dahilan NG pagdami nang mga basura. Kundi NASA tao. May Ina din n umalya na mas nakakatipid daw Kung plastic Ang gagamitin kaysa papel Ang gagamitin. Marami raw kahoy Ang puputulin para makagawa nang papel samantalang walang kahoy na sangkot sa plastic. Dapat suriing mabuti Ang sitwasyong bago tuluyang ipagbawal Ang plastic. Hindi na dapat batikusin Ang pagbabawal NG plastic. Lahat ay apektdo kapag plastic Ang ginagamit sapagkat itoy sumisira sa kalikasan. Maraming bumabatikos sapagkat ayaw nilang mahinto Ang pag gamit NG plastic Kung saan limpak Ang kanilang kinikita.
MALAKING perwisyo na ang idinudulot ng mga itina­pong plastic bag sa kalikasan. Ang mga plastic bag ang numero unong nagpo-pollute ng Manila Bay at dahilan din ng pagbabaha. Dahil hindi natutunaw ang plastic bags, inaanud-anod ang mga ito at bumabara sa mga daanan ng tubig. Kapag itina­pon ang plastic bags sa mga kanal at estero, tatangayin ito sa Pasig River at saka iluluwa sa Manila Bay. Ang Manila Bay ang huling bagsakan ng mga plastic bag. At tingnan kung ano ang nililikha ng mga itinapong plastic bag ngayon. Maruming-marumi ang Manila Bay. Ang Manila Bay ay hinahangaan dahil nata­tanaw dito ang napakagandang paglubog ng araw. Ngayon, maraming basurang plastic ang natatanaw sa Manila Bay.
Nagsagawa ng pag-eksamin ang tatlong environ­mentalist groups, ang Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), Greenpeace at Ecowaste Coalition sa mga nakuhang debris sa Manila Bay at natuklasan nilang 75.55 percent ng mga ito ay mga plastic, partikular na ang bags na ginagamit nang malalaking supermarket at department store. Sumusunod na basurang nakuha sa Manila Bay ay mga bote, bakal at goma. Pero kaunti lang ang mga ito kumpara sa mga plastic na hindi nabubulok at tinatangay-tangay ng alon.
Sa ibang bansa ay problema rin ang mga basurang plastic na sumisira rin sa kalikasan subalit mas mabi­lis umakto ang pamahalaan doon sapagkat agaran rin nilang naipatigil ang paggamit ng plastic bags at iba pang gamit. Sa mga supermarket ay naipatutupad nilang supot na papel ang gamitin at ang iba naman ay inoobligang magdala ng sariling bag ang mga customer.
Dapat namang kumilos ang mga mambabatas sa pagkakataong ito para tuluyan nang maipagbawal ang paggamit ng plastic bags. Tanging ang mga mambabatas ang may kapangyarihan para mapasunod ang mga may-ari nang malalaking supermarket at department na huwag nang gumamit ng plastic bags. Sa kasalukuyan, 12 anti-plastic bills ang nakapanukala pero hindi gumagalaw dahil umano sa banta ng mga manufacturer ng plastic bags.
Kabilang sa mga mambabatas na nag-akda para sa pagbabawal ng plastic bags ay sina Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, Laguna Reps. Dan Fernandez at Edgar San Luis, Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, Cagayan de Oro Reps. Rufus Rodriguez, Abante Mindanao Maximo Rodriguez Jr. at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla.Ngayon na ang tamang panahon para tuluyang itakwil ang paggamit ng plastic bags. Bago mahuli ang lahat, agarang kumilos ang mga mambabatas.
Ang mga reusable bag, kung hindi maayos na mahuhugasan sa pagitan ng paggamit, ay lumikha ng potensyal para sa cross–contamination ng pagkain lalo na sa mga hilaw na produktong (prutas at gulay) na dinadala sa parehong bag, magkasama man o sa pagitan ng mga paggamit. Iniulat ng Unibersidad ng Arizona na 97% ng mga taong gumagamit ng mga reusable bag ay hindi batid na dapat nila itong hugasan at linisan palagi. Kung ang karamihan sa mga tao ay hindi maghuhugas ng kanilang mga reusable bag, ang panganib sa pagkuha ng kanilang kontaminadong pagkain ay magiging mas mataas. Ang kalahati ng mga bag na ginamit sa pag-aaral—mga random na reusable bag mula sa mga customer sa Los Angeles, Tucson, at San Francisco—ay nakitaan ng coliform bacteria, kabilang ang E.Coli sa mataas na porsyento upang maging mapanganib sa kalusugan at potensyal na nakamamatay.
Ang pangkaraniwang paniniwala ay ang anumang bagay ay mas mahusay kaysa sa  plastic bag na nakuha mo mula sa supermarket, ngunit hindi ito simple. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng plastic bag ban, sinusubukan nating kontrolin ang isang maliit na porsyento ng basura sa pagbabanta sa pampublikong kalusugan na maaaring tumalo ng layunin nito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s