POSISYONG PAPEL; ANG PAGPAPASAHOD O PAGPAPASWELDO SA MGA MAGSASAKA

Isinulat ni: Donna Bell Morales

     Ang pagsasaka na siguro ang pinakamahalagang industriya na nadiskubre sa buong kasaysayan ng tao. Ang pagtatanim at pag-aaalaga ng hayop ang siyang naging pangunahing pinagkukunan ng pagkain magmula pa ng matuto ang ating mga ninuno na gumamit ng mga kasangkapan para maging mas madali ang pamumuhay. Hanggang sa ngayon, ang agrikultura o ang sining at siyensia ng pagtatanim ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop para sa kapakinabangan ng mga tao ang siyang nagdidikta ng kabuhayan ng isang bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural. Ang ating mga likas na yaman at klima ay angkop na angkop sa agrikultural na mga gawain. Ang pagsasaka ay tanging gawain ng mga magsasaka na mahalaga sa ating pang- ekonomiyang usapin sapagkat sila ang tanging nakakatulong upang lumago o umunlad ang ating agrikultura. Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa itong karaniwang hanap-buhay para sa mga tao magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasan.Ang pagpapasahod sa mga magsasaka ay napakalaking usapin ngayon sa ating bansa dahil sa mga dumaang kalamidad bumagsak ang ekonomiya ng bansa. Ang mga magsasaka ang rason kung bakit kumakain tayo araw araw ng mga sariwang pagkain. Kung hindi dahil sa kanila wala tayong dahilan para kumain ng mga masusustansiyang pagkain. Malaking salik ang kawalan ng pag-unlad ng agrikultura at kung gayon kawalan ng nagsasarili at maunlad na pambansang industriya ng Pilipinas sa kawalan ng kontrol ng pamahalaan sa presyo ng mga bilihin. Sa halip na palakasin ang lokal na produksyon at ipundar ang lokal na industriya, patuloy na pinananaig ng gobyerno ang mga neoliberal na patakaran na nagpapailalim ng Pilipinas sa dikta ng dayuhan at dominasyon at kontrol ng mga lokal na monopolyo sa lupa, rekurso at kalakalan. Kaakibat ito ng iba pang neoliberal na patakaran na nagbibigay-luwag sa malalaking korporasyon, oligarko at kartel sa kawalan ng tunay na reporma sa lupa, pambabarat ng sahod, pribatisasyon ng mga serbisyo, at dagdag-buwis sa mga batayang bilihin. Hindi kailangan ng mamamayan ang rice tariffication upang diumano makaagapay ito sa pagsirit ng implasyon, at ng magsasaka upang diumano ay makapagpalakas sila ng produktibidad mula sa kita sa taripa. Kayang kayang ibigay na ngayon ng gobyerno ang direktang badyet sa magsasaka kung tutuusin at hindi na kailangang kumita pa mula sa taripa ng imported na bigas na siya rin namang papatay sa mga magsasaka. May pera rin ang pamahalaan para suportahan ang konsumer sa presyo. Kaya rin niyang bawiin ang ipinataw niyang buwis sa konsumo ng mamamayan.

Ang matagal nang panawagan ay ang pagpapalakas ng lokal na produksyon nang mapatataas ang ani, matutugunan ang self-sufficiency ng bansa, substansyal na madadagdagan ang kita ng mga magsasaka, at bababa ang presyo sa pamilihan sa kapakinabangan ng mga konsumer. Maisasagawa ito sa pagpapababa ng production cost, na maisasagawa lamang sa pagpawi ng mga mapagsamantalang relasyon.

Sa pagkakaroon din ng masiglang produksyon, maseseguro ang reserbang pagkain, hindi maoobliga ang magsasaka na magbenta sa traders, mahahawakan ng pamahalaan at magsasaka ang bolyum ng produksyon ng bigas, at mawawalan ng malalanguyan ang kartel. Dapat obligahin ang kasalukuyang gobyerno na tugisin at panagutin ang kartel sa bigas.

Kompleto na ang mga panukala ng mga magsasaka, mula sa parliyamentaryo hanggang sa usapang pangkapayaaan at sa iba pang larangan. Wakasan ang monopolyo sa lupa, ipamahagi ang lupa nang libre sa nagsasaka, at bigyan ng karampatang suporta ang pag-unlad ng kanayunan. Kaakibat nito ang pagtalikod sa mga neoliberal na patakaran at kasunduan na nagpailalim ng agrikultura ng Pilipinas sa matitinding hambalos. Sa ganitong kaayusan lamang matitiyak na naihanda ang bansa sa anumang pakikipag-ugnayan o kalakalan sa daigdig.

   Sa usaping pagpapasahod ng mga magsasaka IginiGiit pa rin nila ang kagyat na pagsasabatas ng panukalang batas na P125 across the board wage hike. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), ang pagtanggi ng administrasyong Aquino sa dagdag sahod ay pagpapakita na protektor ito ng malalaking kapitalista. Kinontra din ng grupo ang ipinalabas na komputasyon ng Malakanyang noong nakaraang buwan at sinabing mali ang pinagbatayan ng pagkukuwenta nito. Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU sa pagmamadaling protektahan ang kita ng malalaking negosyante, gumamit ang gobyerno ng panlalansi sa pamamagitan ng pagpilipit sa datos.Sinabi rin niya na mistulang manhid ang administrasyong Aquino sa lumalalang kahirapan ng mga manggagawa at mamamayan. Sinambit rin niya na nais ng sambayanang Pilipino ang aktuwal na resulta sa laban ng gobyerno laban sa kahirapan, pero ang nakukuha natin mula sa gobyerno ay puro retorika lamang.   Ito ang reaksiyon ng lider-obrero sa pinakahuling sarbey ng Pulse Asia, na nagpapakitang malaking bilang ng mga mamamayan ang nagnanais ng kagyat na ginhawa mula sa nararanasang kahirapan.Ayon sa sarbey na ginawa sa pagitan ng Pebrero 26 hanggang Marso 9, karamihan sa mga Pilipino ang nagnanais na makontrol ang implasyon (68%), madagdagan ang sahod ng mga manggagawa (62%), labanan ang korupsiyon (53%), lumikha ng mas maraming trabaho (53%), at bawasan ang bilang ng mahihirap (52%).“Malakas at malinaw ang mensahe ng sarbey. Nais ng mga Pilipino ang kagyat na ginhawa mula sa kagutuman at kahirapan. Isinasakdal nito ang administrasyong Aquino sa kabiguan nitong magbigay ng anumang ginhawa sa gitna ng tumitinding kalagayang pang-ekonomiya,”sabi pa ni Labog.Batay din sa sarbey ng Pulse Asia, sa performance rating ng administrasyong Aquino sa 11 isyu, apat lamang ang may suporta ng mayorya sa nasarbey. Sinabi rin ni Labog na bumabalik kay Aquino ang mga matatamis niyang pangako. Hindi nakakalimot ang mga Pilipino sa kanyang mga ipinangako at hindi magtatagal sisingilin siya sa hindi nito pagtupad sa mga ito. Kung kaya’t bumababa ang sahod ng mga magsasaka dahil na rin sa hindi maayos na pagpapatupad ng batas ukol sa usaping agrikultura.Ang laging nagdudusa o nahihirapan ay ang mga kapwa mga magsasaka na nagpapakahirap para matugunan ang ating agricultural n pangangailangan. Tama naman na dapat taasan ang sahod ng magsasaka dahil sila lang ang tanging susi at daan upang umunlad ang ating agrikultura. Nahihirapan ang mga magsasaka sa mababang pasahod maging sa mababang supply ng mga makabagong makinarya na imbis na mapapadali ang mga gawaing agrikultural ay hindi dahil sa konting budyet ng dahil sa mababang pasahod ng mga nakakataas.Ang pagbibigay ng mababang pasahod sa mga magsasaka ay nagiging sanhi ng kahirapan at kakulangan ng mga pangunahing mga pangangailangan ng bawat Pilipino. Nang dahil din sa mababang pasahod sa mga magsasaka, nangangailangan pa rin ang mga negosyanteng Pilipino na umangkat sa ibang bansa ng mga bigas at iba pa. Samantala, tinuligsa din ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si Aquino dahil sa kawalang aksyon nito sa kahilingan ng mga magsasaka na itaas ang presyo ng bilihan ng palay sa P20 kada kilo. Ayon sa KMP, sa kabila ng magandang ani, binabarat ng mga “walang konsensiyang negosyante” ang mga palay sa average na P10-12 kada kilo lamang Kung kayat wala halos bumabalik sa mga magsasaka sa panahon na ng anihan, ay nananatiling bingi ang adminsitrasyong Aquino sa aming kahilingang itaas ang farmgate price ng palay. Sinabi pa ng grupo na hindi naiimpluwensiyahan ng National Food Authority ang bilihan ng palay kahit P17 kadakilo na ang pagbili nito ng palay.
Inihalimbawa ng KMP na ang bilihan ng traders sa Central Luzon ay P14.50 kada kilo, P12 naman sa Laguna at P8-10 naman sa rehiyon ng Panay. Ayon kay Flores,binabalikat ng mga magsasaka ang tumataas na gastos sa produksiyon samantalang  nananatiling napakababa ng presyo ng palay,”
Ayon pa kay Flores, hindi nababawi ng kasalukuyang presyuhan ng palay ang kabuuang gastos sa produksiyon, laluna’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.  Sa kanilang pag-aaral sa isang ektaryang tinatamnan ng palay, aabot sa 600 litro ng gasolina ang konsumo ng hand tractor sa isang siklo ng taniman, samantalang 150 litro naman para sa irrigation pump. “Sa P55 kada litro, gumagastos ang isang magsasaka ng P41, 250 para sa gasolina pa lamang. At sa kada pagtaas ng piso sa presyo ng gasolina, P750 ang nadadagdag sa produksiyon para sa isang ektarya,” ani Flores. Dagdag pa niya, kung isasama pa ang ibang gastusin tulad ng renta sa lupa, pataba, pestisidyo at renta sa makinarya, aabot umano sa minimum na P75,000 ang gastos sa produksiyon sa isang ektarya.“Ito ang dahilan Kung bakit patuloy na lumulubog ang mga magsasaka sa utang,” aniya.
Kasabay ng panawagan ng KMP na itaas ang presyo ng palay, patuloy pa rin silang nananawagan na ipatupad ang tunay na repormang agraryo.

       Sa aking opinyon, kailangang ng mga magsasaka ang mataas na sahod upang mas lalo pang umunlad ang ating agrikultura.Kailangan ng mga magsasaka ito upang maging maganda ang daloy ng ating ekonomiya at agraryo.Bilang isang magsasaka may karapatan din sila na taasan ang kanilang sahod upang mas lalo pang umunlad ang ating agrikultura.

CITATION:

https://www.pinoyweekly.org/2012/04/dagdag-sahod-taas-presyo-palay-sigaw-magsasaka-manggagawa-sa-mendiola/

https://joeam.com/2018/12/03/paano-natin-pauunlarin-ang-buhay-ng-mga-magsasaka/

https://umapilipinas.wordpress.com/ang-mga-manggagawa-sa-agrikultura-sa-panahon-ng-neoliberalismo/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Magsasaka

https://www.ibon.org/2018/08/hinggil-sa-rice-tariffication-gabay-sa-talakayan/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s