Your Social Privacy is At Risk

Jefferson R. Medina

Ang social privacy ay isa sa hindi matapos tapos na problema sa ating bansa. Ang problemang ito ang siyang nagdudulot pa ng kaguluhan, paninirang puri at kung minsan ay humahantong sa kriminalidad. Ang pagpopost ng mga araw araw na pangyayari at kung ano ano pa. Ang pagpapahayag ng opinyon tungkol sa isang paksa o usapin at ang hindi pagkakaintindihan sa isang bagay.

Sa Facebook, Twitter, Instagram at iba pang social media sites na naglalaman ng inyong personal na impormasyon ay maaaring makalap ito ng mga hacker o mga taong may masamang binabalak sa ibang tao o sa inyo mismo.

Ang mga nagkalat na fake news at mga poser sa Facebook na kung minsan ay nagiging banta ng ating seguridad at pribadong pamumuhay. Malalaman na lang natin na may mga facebook account na gamit ang ating litrato at pangalan. Maging ang magkakapareho ng opinyon at pagtingin sa isang bagay ay maaaring hindi magkaintindihan at magsimula ng gulo.

Dahil din hindi humihingi ng kabayaran o  user fee ang ilang plataporma, mga advertisement ang tanging paraan ng mga ito dahil sa mga nakukuha din nito ang ating mahahalagang impormasyon. At kahit na hindi natin ginagamit ang mga ito online ay patuloy tayong pinagmamasdan nito sa ating pang araw araw na pamumuhay at lahat ng ating mga ginagawa sa offline world.

Ayon kay Dr. Perlita Frago, assistant professor ng Department of Political Science ng University of the Philippines-Diliman, bagamat karapatan ng mga tao na ipaglaban ang kanilang “right to privacy” at “right to security”, hindi sakop ng Data Privacy Law ang mga naninilbihan sa gobyerno. Nakasaad din sa Data Privacy Act of 2012, nakalagay dito na ang mga nagta-trabaho sa gobyerno ay di covered. ‘This act does not apply to the fact that the individual is or was an officer or employee of the government institution.

Dagdag niya, “mga tao pa rin ang nagi-interpret ng batas na ito kayat nagkakaganito ang topic na ito at ang isyung ito ay nagiging usaping at nagkakaroon ng maraming debate dito.”

Ang bawat mamamayan ay may karapatang magpahayag ng kanilang damdamin at opinyon ngunit ito ay hindi lubos. Mayroong limitasyon ang ating kalayaan sa pananalita kung kaya hanggat maaari ay ating pagbutihin at himaying mabuti ang ating mga ilalahad o ipapahayag.

Ayon naman kay Atty. Jose Jesus Disini, lubhang nakakabahala ang kakayahan ng Facebook pagdating sa pangangasiwa at paghawak ng ating mga pribadong datos. Ayon pa sa kanya ay mistulang tayo ang nagtatrabaho sa Facebook.

Payo pa ni Disini, bago tayo mag-download ng mga app siguraduhin at alamin muna natin kung ano ang makakalap nitong impormasyon mula sa ating personal account, computer at cellphone.

Naging patunay ng pahayag ni Atty. Disini ang kumalat na Data Scandal sa Facebook kung saan may kumalat umano na personality test at hindi namamalayan ng mga nagsasagot ng nasabing test na binibigyan na pala nila ng pahintulot ang third party app ng Facebook na makalikom ng ating mga pribadong datos. Kabilang sa mga maaaring nakalap ng third party app na ito ay ang mga litrato, interes at ang lokasyon ng nagsagot ng personality test.

Sa kabila ng usaping ito, masasabi ko na hindi mali ang magpahayag ng sariling opinyon lalo na kung nasa tama ang iyong pinapanigan. Dahil lahat ng tao ay may karapatang magpahayag ng kanya kanyang saloobin at opinyon, hindi natin masasabi na totoo o hindi ang laman ng kanyang mga pahayag. Kailangan natin na intindihing mabuti ang isang bagay bago ito gawan ng hakbang o bago man tayo magsimulang humusga. Pare-pareho man ng katayuan sa buhay, may kaya o wala, edukado o hindi edukado ay maaaring magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa isang bagay. Ang magpost sa social media ng mga mahahalagang bagay at pangyayari ay maaaring makatulong hindi lamang sa sarili kundi kahit sa ibang tao na makakabasa nito. Gayunpaman, ating pagtuunan ng pansin at pahalagahan ang ating limitadong karapatan.

Marahil ay makaapekto ang ating pahayag sa ibang tao at maaaring tayo ay mahusgahan o paratangan. Ang ating limitadong karapatan ang nagsisilbing pananggalang natin sa mga maimpluwensyang nakapalibot sa ating oang araw araw na buhay. Mayroong mga taong ginagamit ang kanilang karapatan sa maling pamamaraan at nagreresulta ito sa gulo.

Ang pagpapahayag ng sariling opinyon tungkol sa isang bagay o usapin para sa akin ay nagpapakita at nagpapakahulugan na ating nauunawaan ang isang oaksa at kung ano ang nangyayari sa ating paligid. Tulad na lamang ng katatapos lamang na eleksyon. Nagkalat ang mga balita at mga post sa Facebook tungkol sa nangyayaring bilangan ng boto ngunit hindi lahat ng ito ay masasabi nating totoo dahil ang pag-edit sa panahon ngayon ay madali na lamang magagawa ng kahit nasa elementarya pa lamang na bata. May mga nagsasabing may nangyayaring dayaan ngunit walang anumang nagpapatunay na may nangyayaring ganitong gawain. Nagpapakita lamang ito na tayong mga pinoy ay nakikinig at nagmamasid sa mga nangyayari sa ating bansa. Gayon din dapat ang gawin natin sa ating social life. Panatilihin nating ligtas at pribado ang ating personal na impormasyon upang hindi magamit o manakaw ng masasamang loob.

Samakatuwid, ang paggamit ng internet at ibat ibang plataporma ng social media ay hindi natin masasabing ligtas at lahat ay pribadong mapoprotektahan ang ating personal at pribadong impormasyon. Dapat nating isaalang-alang ang limitadong paggamit ng mga nasabing plataporma at ang maaaring makalap na mga datos mula sa atin.

Bagamat may mga insidente ng pagnanakaw ng mga datos ay hindi ibig sabihin nito na hindi natin dapat ipahayag ang ating opinyon at mga hinaing. Kailangan natin itong ilabas upang sa gayon ay mabigyang aksyon at masolusyunan ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s