Eleksyon: Mayaman at Makapangyarihan o May Kakayahang Mamuno at may puso para sa mamamayan Ngunit Mahirap

Karen L. Mercene

Ang pamumuno ay hindi lamang kapangyarihan at karangalan, kundi isa itong tungkulinat pananagutan sa bawat taong sakop ng kanyang pinamumunuan. Walang sinuman ang makapagsasabi kung sino ang karapat-dapat na maging pinuno, tama ba? Gayunpaman, tayo ay binibigyan ng pagkakataon upang pumili ng taong sa tingin natin ay kaya tayong pamunuanat pagsilbihan. Sino ang pipiliin mo ang mayaman at makapangyarihan o may kakayahang mamuno at may puso para sa mamamayan ngunit mahirap.

Sa paglipas ng panahon, papalapit na nang papalapit at hayan na nga, nagkalatnanaman ang mga tarpaulin, posters ng mga kandidato sa ating daraanan, polyetos, t-shirt namay pangalan at larawan ng kandidato, pamaypay, boller, key chain, at kung ano-ano pang uring campaign paraphernalia para lamang maibenta ang pangalan ng mga kandidato na sabikng makaupo sa kanilang puwesto. mayroon pa nga  nagpa-bingo upang sumikat lamang ang kanyang apelyido.

Para saakin ang mabuting lider ay yung may kakayahang mamuno at may puso para sa mamamayan ngunit mahirap. Sapagkat sila yung mga taong nakarasan ng kagipitan, alam lahat ng pangangailan ng bawat isa. Ang mga taong ito ay edukado ngunit mababa ang pinag-aralan. Mga taong gusting mamuno ngunit hindi dahil mahirap ay hiindi nananalo sa eleksyon. Dahil nabayaran ang mga botante sila natalo. Sa panahon ngayon dapat isaalang alang natin ang kakayahan at puso sa paglilingkod ng isang kanditato aanhin mo an glider na mayaman at makapangyarihan kung wala naman itong nagagawa kundi magnakaw sa kaban ng bayan, kung mahirap na may puso ang maging lider natin alam nila kung ano ang tamang gawain kung ano ang mga problema na dapat ay masulosyunan na agad.

Nasa ating botante ang kasagutan kung tayo ay padadala saganitong uri ng pamamaraan para makuha nila ang ating sagradong boto.  Anim na taon ang bibilangin, anim na taong maninilbihan, mga suliranin sa ating sambayanan, sana nga magkaroon na ng kalutasan. ‘ana nga lang hindi puro pangakongkalauna”y napapako. Pangako, pitong letra lamang iyan pero marami na ang nasasaktan sasalitang iyan, kung kaya”t masakit ang mabigo. tunay na masarap pakinggan ang mga matatamis na pangako ng isang tao. maging ito”y mula sa isang pulitiko, sa isang manliligaw at sa kahit na sinong tao. Ang pangako nga ay kay daling sabihin datapuwat, ito rin ay madalingwasakin. Totoo nga, minsan ang pangako ay nagagawa nating sirain. Ito ay marahil hindi natinito natupad o hindi kaya”y hindi natin sinubukang tuparin. Hindi naman masama ang mangako,huwag lamang po sanang mapapako. At sadyang makapal na ang mukha ng taong dimarunong tumupad sa kanyang pangako. Katulad ng mayayamang kurap mangangako ng libreng pabahay ngunit wala naman.

Ngayong tapos na ang eleksyon may panibagong lider nanaman magkapalad namagwagi sa puwesto ay ang taong may pananampalataya sa ating Poong maykapal at hindi iyong mga nangagaral ng salita ng diyos. Isa lang ang maimumungkahi ko, maging dilat nawatayo sa katotohanan. Huwag sana tayong pumili ng buwayang lubog na kahalintulad ng nakaupo ngayon sa mataas na posisyon ng ating bansa. Pumili ng kandidatong sapat ang kaalaman, at handang labanan ang katiwalian. andaan natin, hindi natutumbasan ng kahitanong materyal na bagay ang pagmamahal, respeto at tiwala. Ipanalo ang pamilyang Pilipino.Dapat yung matuwid ang piliin, yung lider na mahirap ngunit may pusong makabansa”t makabayan. Kaya naman nagtulong-tulong ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri, sa kabila ng kanilang matinding kompetisyon at siraan na manatiling nakakulong ang malawak na masa sa mga mistipikasyon ng eleksyon dahil ayaw ng naghaharing uri na tahakin ng masang anakpawis ang kanilang sariling landas, ang landas ng proletaryong rebolusyon.

Ayon kay Patrick (2009), lahat ng mga kandidato ay inaaming dumarami ang naghihirap na mga Pilipino. Ito ang katotohanang hindi nila kayang itago. Isang katotohanan na lagi na lang may “solusyon” sa panahon ng kampanya ng eleksyon. Katotohanan na ang “solusyon” diumano ay kung si ganito o si ganoon ang mananalo at makaupo sa pwesto. Laging ganito ang naririnig at nababasa ng taumbayan, laluna ng manggagawa at maralita tuwing sasapit ang halalan. “Malinis na pamahalaan”, “matino at tapat na taong nasa pwesto”, walang kurakot na gobyerno”, “libreng edukasyon”, “trabaho”, “tamang sahod”, “lupa”, “pabahay”….. Ito na ang laging sinasabi ng mga kandidatong nangangailangan ng boto ng manggagawa at maralita para masungkit nila ang kapangyarihan sa bulok na pamahalaan. Bawat isa sa mga kandidato ay nagsasabing “ako at ang aking partido ang may tunay na plataporma at programa para maiahon ang sambayanan mula sa kahirapan”. Ilang dekada na ba nating narinig ang mga katagang ito? Ilang dekada na ba nating narinig na naghirap diumano ang bansa dahil sa “maling pamamahala”, dahil “hindi mga tamang tao ang naluklok sa gobyerno”. Hindi ba’t ito lagi ang sinasabi ng nasa oposisyon na nais palitan ang administrasyon? Ang administrasyon naman ay laging nagsasabing wala sa kanila ang problema kundi “hindi sapat na panahon ng panunungkulan” ang siyang dahilan kung bakit ang mga pangako ay hindi natupad. Ang nasa administrasyon ay sinisisi ang lahat maliban sa kanilang sarili sa mga kapalpakan ng kanilang “plataporma” at “programa”. Ganito lagi ang eksenang nakikita natin sa kada tatlo at anim na taong palabas ng eleksyon.

Sa kabuohan nasasaatin parin kung sino an gating pipiliing lider kung yung may kakayahang mamuno at may puso para sa mamamayan ngunit mahirap.

Sanggunian

https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201002/174/pangako-ng-mga-kandidato-panlilinlang-sa-mga-tao

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s