Aimie C. Salvacion

Pagpapatupad ng Mandatory Enlistment sa Pilipinas Ang Mandatory Enlistment ay isang paraan o sistema na kung saan inihahanda ang lahat ng mga kalalakihan na edad labingwalo pataas (18+) na sumabak o pumasok sa isang military training na kung saan tuturuan ang bawat indibidwal kung paano makipaglaban at humawak ng armas sa loob ng dalawang taon. Samantala, mayroon din naming mga bansa na pinahihintulutang sumama sa military training ang isang babae maliban na lamang kung ito ay mayroong sakit sa pagiisip o pisikal na karamdaman. Isa rin ito sa paraan upang madisiplina ang bawat kalalakihaan sa isang bansa. Karamihan sa mga bansang nagpapatupad ng Mandatory Enlistment ay nakakaranas ng matinding gyera tulad ng mga bansang Korea, Africa, Israel, Norway,Sweden, at iba pa na nagkakaroon ng hindi paagkakaunawaan sa magkabilang panig. Isa ang pilipinas sa nakaranas ng gyera at mga pambobomba sa pagitan ng mga military at mga rebelde tulad na lamang noong nakaraang taon na kung saan bimomba ang ilang lugar sa Mindanao na nagdulot ng malaking pinsala sa mga tao doon. Maraming tao ang nawalan ng tirahan dahil sa matinding dulot ng mga pagsabog. Ayon kay Omondi (2017), Ang mandatory military service ay isinasagawa upang mas mapahigpit ang seguridad ng isang bansa laban sa banta ng seguridad na nangangailangan ng isang malaking hukbo. Dagdag pa niya, dahil sa kakulangan ng pwersa, minabuti nilang sanayin lahat ng kalalakihan at iilang kababaihan upang maging reserba kung sakaling kailanganin ang maraming tao para sa serbisyong militar. Batay sa aking opinion, sasang-ayon ako kung sakaling ipatupad ang Mandatory Enlistment sa pilipinas dahil sa paraan o sistemang ito magiging handa ang mga Pilipino lalo na ang parteng Mindanao kung saan sila ang lubos na nakaranas at naapektuhan noong nagdaang gyera. Sumasang ayon din ako upang mapahigpit ang seguridad ng isang bansa, kailangang ang mga mamamayan ay mayroong malawak na kaalaman tungkol dito.

Mohammed (2018), batay sa kaniyang artikulo ang konsepto ng pagkakaroon ng military service ay tila maganda at kamangha- mangha ngunit hindi ito pabor sa nakakarami dahil sa mga negatibong nangyari noong digmaang sibil , at mga World Wars na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao. Maeena (2014), nakasaad sa artikulong ito ang pagsasabatas ng sapilitang serbisyong militar para sa mga lalaki na edad labingwalo hanggang tatlumput lima sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan. Ayon sa ahensiya ng QNA news, ang konseptong ito ay may layunin na matiyak ang regular na pwersa at upang ipagtanggol aang bansa. Sa aking opinyon, hindi ako sang ayon sa sapilitang military service dahil hindi lahit ng kalalakihan ay kayang gawin ang mga pagsasanay. Masasabi ko na dapat hingin ang opinyon ng bawat isa at alamin kung gusto nilang magboluntaryo upang maging parte ng pwersa. Ayon sa isa sa aking nakapanayam na si Mr. Jhec Roqueza, sang ayon siya sa pagpapatupad ng Mandatory Enlistment sa pilipinas dahil para sa kaniya maari itong gamiting pang disiplina sa mga tao sa mabuting paraan. Dagdag pa niya, lalawak ang kaalaman ng mga Pilipino pagdating sa paraan ng pagtatanggol ng ating bansa. Sang ayon ako sa sinabi ng aking kapanayam dahil yun rin ng aking dahilan kung bakit gusto kong maipatupad ang Mandatory Enlistment ditto sa Pilipinas.

Nakapanayam:
Mr. Jhec Roqueza
Sanggunian:
https://www.worldatlas.com/articles/countries-with-mandatory-military-service.html

Is Mandatory Military Service Good for a Country?


https://gulfnews.com/opinion/op-eds/a-debate-on-compulsionary-military-service-1.1282042

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s