BRIDGING PROGRAM SA KOLEHIYO

Isinulat ni: Ma. Clarish C. Landoy

      “Naninindigan pa rin tayo sa ipinangako nating pagbabago sa edukasyn: ang gawin itong sentral na estratehiya sa pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman: ang mamayang Pilipino. Sa K to 12, tiwala tayong mabibigyang-lakas si Juan dela Cruz upang mapaunlad-hindi lamang ang kanyang sarili at pamilya-kundi maging ang buong bansa.- Benigno S. Aquino III. Iyan ang sinabi ng dating pangulo sa ating edukasyon. Ang K to 12 kung saan kasama ang kindergarten at ang labing dalawang taon sa pag-aaral, ang anim na taon sa elementarya, apat na taon sa secondarya at ang dagdag na dalawang taon bago magkolehiyo na naglalayong bigyan ng mas mahabang panahon sa pag-iisip at pag-paplano ang mga estudyate bago tumungtong ng kolehiyo. Dito pumapasok ang sinasabing Senior High School, ang grade 11 at grade 12. Ang mga estudyante ay malawak na pumili ng track na kaninang ninanais, dito nakapaloob ang GAS, ABM, STEM, TECH-VOC, at HUMMS. Ang mga subject ay base sa pipiliin mong track. Ipinaliwanag noong una na ang bawat track o academiko ay base sa kursong pipiliin nila sa kolehiyo maliban sa GAS na kung saan dito nakapaloob ang mga estudyanteng hindi pa nakakapag-desisyon sa pipiliin nilang kurso sa kolehiyo. Kung kaya’t madami-daming estudyante ang piniling mag-GAS muna sa kadahilanang wala pa silang natitipuhang kurso.
       Ngunit  ano ang sinasabi nilang Bridging Program?  Doon, matapos ng K to 12 marami nang estudyante ang handa na magkolehiyo at nakapili na ng nais nilang kursong kukunin lalo’t higit ang mga estudyanteng galing sa strand na GAS. Meron may gustong maging inhenyero, merong din namang gustong maging doctor at meron din gustong maging news reporter at iba’t iba pa. Hanggang sa nagpalabas ng isang balita ang Commission on Higher Education na kung galing ka sa strand na GAS ibig sabihin ang kursong iyong makukuha lamang sa kolehiyo ay ang Bachelor of Education o ang pag-guguro. Marami ang umangal sa naturang balitang ito. Dito lumabas ang bridging program.  Ang bridging program ay isang programa na kung saan pagdadagdag ng isang taon muli pagkatapos mo mag senior high school doon sa mga estudyante lalo’t higit ang galing sa strand na GAS na wala ang kurso sa napiling track. Ngunit hindi nila ito kasalanan sapagkat una palamang ay sinabi na nila na ang mga studyanteng mapupunta sa GAS ay ang mga estudyanteng hindi pa sigurado sa pipiliing kurso sa kolehiyo.
         Mahalagang pagusapan ang ganitong bagay lalo’t higit ito ay tungkol sa edukasyon. Maraming nagsasabi at marami na rin ang nagpatunay na edukasyon ang susi sa kahirapan pati narin sa mga taong nanghuhusga at sa mga taong gusto kang ibaba sa buhay. Kung kaya’t ang mga ganitong usapin ay hindi dapat pinapalagpas sa makatwid ay dapat na binibigyang pansin. Ang bridging program ay isa rin sa mga mahahalagang pag-usapan lalo na sa mga magulang na nagsakripisyo ng oras, hanapon at pera para lamang mapagtapos ang kanilang mga anak tapos madadagdagang muli ng isang taon matapos ang K to 12? Isang malaking hamon muli ito para sa kanila. Hindi naman kasalanan ng mga estudyante kung bakit naging undecided at pinili ang strand na GAS hindi ba?
         Sa akin, hindi ako sang-ayon o kontra ko sa dagdag na isang taon o ang tinatawag nilang bridging program sa kolehiyo sa mga estudyanteng galing sa GAS.  Bukod sa madadagdagn na naman isang taon, nadagdagan na nga ng dalawa sa secondary tapos meron na naman sa kolehiyo, hindi naman lahat ng tao mayaman.
         Isang kalokohan lamang ang tinatawag nilang bridging program. Isang taong pahirap lamang iyon sa mga estudyante pati na rin sa mga magulang. Nadagdagan na nga ng isang taon sa hayskul tapos dagdag isang taon na naman sa kolehiyo? Hindi ba iniisip ng mga taong nagpanukala niyon na isang dagdag hirap lamang ang bridging program? Sabagay, hindi naman nila alam ang pakiramdam kasi hindi nila naabutan ang kurikulum na ito. Hindi ko man din mararansan ang mg-bridging ngunit alam ko at may isip ako na isa itong magiging hamon sa isang estudyante. Ang hirap ng magulang sa pagkayod sa trabaho, kumita ng malaking pera matustusan lang ang mga kailangan sa eskwela. Hindi lahat ng tao mayaman na kung ano ang gusto mabibili mo, na kung anong nais mo makukuha mo. Paano ang mahihirap na kailangan pang kumapit sa patalim para lang mabuhay ang pamilya? Meron namang ibang solusyon sa problemang iyon na sinasabi nila. Bakit hindi na lang sila gumawa ng paraan para maiwasan ang ganitong kaguluhan.  Bakit hindi nila dagdagan na lang ng mga units na kulang at mga hindi nakuhang subjects sa senior high school sa kukuning kurso sa kolehiyo. Maaari naman iyon hindi ba?  Pwede din naman summer class, at least iyon hindi mo kailangang magdagdag ng isang taon dahil pwede mo namang makuha ang mga subject na iyon sa isang summer class lang dahil bilang na bilang lang naman ang kukunin mong subject. O hindi kaya bakit hindi nila idagdag sa strand na GAS ang mga subject na dapat nang kunin ng mga estudyanteng nandoon. Meron pa, bakit hindi ngayon pa lang ay kausapin na nila ang mga estudyante o i-orient ang bawat estudyante na ang kursong GAS ay para lamang sa mga estudyanteng mag-guguro upang maging handa naman ang mga estudyanteng magkukuha ng strand na ito. Marami ang nasasayang na oras sa bridging program na ito, hindi sa pagmamadali na makagraduate ngunit iyon ang kailangan ng bawat tao ngayon. Kung magbib-bridging ba ang mga esudyante, sigurado ba sila na libre itong programang ito at walang babayaran? Sige sabihin na nila na libre ito at walang bayad, paano naman yung mga gagastusin sa pag-aaaral na ito? Sinabi nga nila na libre na ang edukasyon, walang bayad sa tuition pero sa gastusin hindi nakalibre. Sa bawat subject na ibat iba ang bibilhin at kakailanganin kaya ba ng lahat ng estudyante na matustusan ang lahat ng pangangailangan? Di ba walang kasiguraduhan?
     Malaki ang di ko pagsang-ayon sa bridging program na iyan. Oo nga nakapagbridging program ka nga, paano naman kung bumagsak ka? Edi isang taon na naman ang madadagdag? Hindi dahil sa tamad ka o wala kang utak, meron kasing guro at hindi ko nilalahat na kahit deserving mo ang mataas na grado o pasadong grado ay ibabagsak ka hindi ka ipapasa. Inuulit ko po, hindi ko po nilalahat kundi merong iilan.  Sa akinng argumento masasabi kong walang mali sa posisyon ko sapagkat lalo lang itong makakatulong s mga estudyante. Sino nga ba namang estudyante ang gusting magulit ng mag ulit sa kolehiyo? Sino nga ba namang estudyante ang nag-aral na nga nang labing dalawang taon tapos meron pang apat hanggang lima sa kolehiyo tapos dadagdagan pa ulit ng isa? Ang sabi nila kapag nakapag-senior high ka, mababawasan na ng dalawang taon sa kolehiyo, bakit walang nangyari?
     “The bridging program is a clear maneuver of the Duterte administration to further worsen the inaccessibility to free and quality education. This is desperate attempt to provide band-aid solutions to problems in our education that Duterte himself has created”, LFS National Spokesperson Kara Taggaoa said. Base nga sa kaniyang sinabi, hindi magiging maganda ang kakalabasan ng programang ito kundi lalo lang itong lalala. Hindi solusyon ang pansamantalang lunas sa lumalalang karamdaman ika nga nila. Bakit hindi bigyan nang pangmatagal at panghabang buhay na lunas kung meron naman hindi ba? Lahat ng problema na sosolusyunan pero yun nga lamang bakit hindi bigyan ng lunas kung meron namang ilulunas. Isa pang dagdag ni Taggaoa, “ Aside from guaranteed employability, another promise of the K to 12 program is  more efficient admission in college. The bridging program is nothing but a tokenistic attempt to address the long-time problems in our basic educstion. As long as majority of schools and universities are run as big businesses, and as long as capitalist-educators remain as primary benefactors of the education system, there is no bright future for the youth”.
   Nung una palang ay marami na ang bumabatikos at kumokontra sa bridging program na iyan ngunit wala pa rin silang pakialam. Tulad na lang sa nabasa kong artikulo ni Edwin Balasa na tungkol sa bridging program. Isang meeting na kung saan nabatid na hindi optional kundi mandatory ang gagawing pagsusulit  tungkol sa School Readiness Test na kung sino man ang hindi makapasa ay dadaan sa isang taong Bridge Program na ang pag-aaralan lamang ay Math, Science at English na kailagan naman nilang maipasa para makapasok sa regular high school.  Hindi ba’t masasayang lang ang mga nakaraang taon nilang pinasok kung hindi rin naman sila makakapasa at hindi sila makakapasok sa regular na klase. Minsan gamitin din ng tao ang utak at wag basta basta sumabag sa gyera na wala nama tayong dala kahit ni isang panangga at bala.
           Ang sa akin bakit kailangan mo pang muling magbridging program di ba? Sobrang daming solusyon na mas makakatulong sayo ngunit mas pinipili niyo yung mga bagay na alam ninyong ikakahirap lang ninyo. Minsan kasi ang tao nasa harap mo na hahanap pa ng iba. Ayon nga sa sinabi ko kanina, madaming paraan upang masulosyunan ang problema, huwag na tayo lumayo kung meron namang mas malapit at mas sigurado.

Pinagkuhaan ng mga Impormasyon:

  1. Commission on Higher Education by RMN News Team, May 12, 2017 http.rmn.ph/commission-on-higher-education-nagpalabas-ng-bagong-patakaran-sa-k-to-12-program.
  2. Bridging program in SHS graduates, Reflective of K-12 failed experiment-LFS by League of Filipino Students June 27, 2018 http.medium.com/@LFSphilippines/bridging-prgram-in-shs-reflective-of-k-12-failed-experment-lfs-7d118fac6946
  3. GOVPH The K to 12 Basic education www.officialgazette.gov.ph
  4. Bridge Program ng DepEd tuloy na July 10,2004 http.www.philstar.com
  5. SU to offer bridging programs for off-track SHS students htttp.theweeklysilimanian.com

Mag-iwan ng puna