Epekto ng Pagkahilig ng Nakakarami sa Larong Mobile Legends

Isinulat ni: Reginald Miciano

            Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao. Ang teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang pang-araw-araw na gawain ng tao. Ating balikan noong taong 1973 na ang telepono o “cellphone” ay naimbento. Ito na yata ang isa sa mga pinakamagandang naimbento ng tao lalong lalo na kung ang pag uusapan ay ang komunikasyon o pagiging konektado sa mga taong mahal natin sa buhay na malayo sa ating piling. Hindi natin lubos na maiisip na sa ilang dekada lamang ay ganito na uusbong ang teknolohiya sa mundong ito. Ayon naman sa isang artikulo noong taong 2017, aabot na sa limang bilyong tao sa buong mundo ang may kanya-kanyang sariling mobile phone pagsapit ng kalagitnaan ng taong ito. Ito ang lumabas sa ginawang pag-aaral ng GSM Association na isang samahan ng mga mobile operators. Inaasahan rin na 5.7 bilyon o mahigit sa three-fourths ng populasyon sa buong mundo ang may sarili nang cellphone pagsapit ng 2020. Dahilan sa maraming gumagamit ng telepono, marami na ring mga “mobile games” na nagsilabasan at sumikat na nilalaro karamihan na ang mga kabataan. Kung inyong susuriin, ang nangunguna ngayon na “Top Free App” sa “Google Play Store” ay ang ang kilalang app na “Mobile Legends: Bang Bang” at ika-animnapu naman bilang “Top Grossing App” ang naturang laro. Itong laro na ito ay nilabas noong taong 2016. Tunay na sikat ito hanggang ngayong taon ng 2019. Napakarami na ang naglalaro, hindi lang lalaki pati na rin ang mga babae ay nahumaling sa nasabing laro. May mga nagsasabing masama ang epekto nito sa tao ngunit hindi nila nalalaman na napakaraming natutulungan ang larong ito sa buhay ng bawat manlalaro ng “Mobile Legends.”

            Simulan natin sa mga “streamers” o “youtubers,” ang paggawa ng content sa youtube gamit ang nasabing laro ay lubos na pinagkakakitaan ng karamihan. Ang simpleng pag live ng mga streamers at pagkakaroon ng maraming viewers ay sumuswldo na sila sa facebook ay ganun din sa youtube. Napakaraming app na pwedeng magamit na gawa ng iyong mga followers at viewers sa kada live o bidyo na iyong gagawin. Lalo na kung ang content mo ay tungkol sa Mobile Legends sa kadahilanang napakaraming naglalaro nito at marami ang gusting makatuto nito, mga bidyong nakakatuwa tungkol dito at iba pa. Kung ikaw ay matagal na sa larong ML, panigurado kilala mo si Dogie, isang streamer, youtuber at ML player. Kasalukuyan siyang kumikita ng anim na libong dolyar sa youtube, tatlong hanggang apat na libong dolyar sa facebook at yun ay nagsimula lamang sa paglalaro niya ng ML. At ito ay ayon sa kaniya sa isa niyang upload na bidyo sa youtube. At iba. Kung hindi niyo nalalaman isa sa mga bidyo ni Dogie sa youtube ay ang pagkabili niya ng isang sasakyan na mustang na umaabot ng milyones. Pa ng youtuber na si Dogie ito ay dahilan sa kaniyang mga viewers at followers lamang. Tunay na ikaw ay hahanga at magkakaroon ng motibasyon lalo na kung ikaw ay isang player ng ML at pangarap na maging streamer balang araw. At para sa inyong kaalaman ang “Mobile Legends: Bang Bang” ay nakumpirma nang unang esport na maisasali sa “2019 Southeast Asian (SEA) Games” na pangungunahan ng Pilipinas bilang host. Hindi lamang libangan ang larong ito kundi isa na itong sport at pwede ring maging sideline o trabaho dahil pwede ka ng maging isang propesyunal na player na lumalaro sa mga turnamento ng ML. Isa sa mga kilalang pro player ay si Billy Alfonso o kilala sa kanyang in game name o ign sa ML na Z4pnu. Siya ay kabilang sa isang professional esport team na EXE o Execration na isa sa mga sikat at malalakas na team dito sa Pilipinas. Isa siyang streamer at youtuber na kung saan dito rin siya kumikita maliban sa mga napapanalunan ng kanyang team sa mga turnamento sa ML.

            Para naman sa mga kabataan, kadalasan ang mga estudyante na kinahihiligan ang pagkaliban sa larong “Mobile Legends: Bang Bang,” napakarami ang naglalaro nito sapagkat hindi lamang ito gawa sa pagkalibre nito sa “Google Play Store” o sa “App Store” dahilan nila ay napakaganda nitong libangan lalo na kung ikaw ay naiinip o wala kang ginagawa. Di mo rin talaga lubos na maiisip na sa pamamagitan ng larong ito ay nakakasalamuha ka ng ibang mga manlalaro hindi lamang dito sa iba’t ibang parte ng bansa ganun na rin sa ibang parte ng mundo. Kung pagbabasehan ang klase ng 12 STEM A sa paaralan ng MSC, humigit kumulang sa seksyon na iyon halos lahat ay pamilyar sa ML at higit sa sa kalahati ang naglalaro o nakapaglaro na ng nasabing app.       Base saking karanasan at mga naoobserbahan, madalas ang dahilan ng paglalaro ng ML ay gawa sa impluwensiya ng kaibigan o mga nasa paligid nito. Alam naman natin na kung minsa’y nararamdaman natin na hindi tayo kaisa o kasama sa kanila kung hindi tayo magkakaroon ng ganitong laro o kung hindi tayo maglalaro nito kasama sila. At dito nagsisimula ang tinatawag na “socialization” o dito nabubuo ang paglakas ng pagsasamahan ng mga magkakaibigan. Ang larong Mobile Legends ay di lamang basta basta kung lalaruin. Hindi ka mananalo sa isang laro mo kung di mo sasanayin ang iyong sarili sa paglalaro ng isang “hero.” Dahil sa katunayan, hindi ito ganun kadaling laruin lalo na kung pataas na ng pataas na ang iyong rank dito. Dito mo matututunan ang pag iisip ng malalim at malawak, pag iisip kung paano kayo mananalo, ano ang mga tamang build sa bawat hero at pagbibigay tiwala sa iyong magiging kakampi sa bawat game na iyong lalaruin. Dahil itong larong ito ay kailangan ng estratehiya, pagkakaisa ng mga manlalaro, kasanayan sa mga hero, sa builds at sa mismong game. Kumplikado man sa salita, pero kung iyong lalaruin din, sa katagalan ay matututo ka din. Ang larong ito ay kinukumpara ko panliligaw mo sa iyong taong gusto o minamahal. “Kailangan mong paghirapan kung gusto mong makamtan ang tagumpay na iyong hinahangad, tulad na lamang nang tagumpay kapag napasagot mo ang iyong minamahal.”             Para sa konklusyon ng naturang paksa na ito na tungkol sa pagkahilig ng mga kabataan gayun na rin ang nakakarami sa paglalaro ng “Mobile Legends: Bang Bang,” para sa akin, lubos na napakaganda ang epekto nito sa isang tao lalo na kung may pangarap ka sa buhay. Bagama’t ako ay nagkaroon na ng karanasan ng paglalaro sa nasabing Mobile Legends na ito, kapag nasimulan mo na siyang laruin, at habang tumatagal, napapamahal ka na rin sa larong ito. Hindi lang ang “statistics” mo sa game o kung paano o laruin ang larong to bagkus nababago ang iyong pananaw sapagkat sa bawat talon a iyong mararanasan sa larong ito, matutututo kang bumangon at subukan ulit kung paano ka makakatayo at mahahawakan muli at maririnig ang salitang “victory.” Hindi lamang ito tungkol sa larong “Mobile Legends” sapagkat habang tumatagal ang paglalaro mo nito ay hindi lamang sa laro mo ito nagagawa ngunit kaya mo rin itong gawin sa tunay na daan ng iyong buhay. Sa bawat pagsubok na makakasalamuha mo sa buhay mo, matalo ka man ng ilang beses, susubukan at susubukan mo pa ring bumangon para Manalo at makamit ang iyong ninanais na makamtan. Ito lamang ang isa sa mga natutunan ko sa larong ito. Dahil sa paglalaro ko nito, pag may bagay na gusto akong makamit, pinag aaralan ko ng mabuti, binibigyan ko ng atensyon, at oras. “Mythic” ang rank na pinakamataas sa larong ML, hindi sa pagyayabang pero sa kabila ng lahat ng mga laro ko, nakamit ko ito dahilan na lamang sa aking pagpupursigi. At dito pumapasok ang pangarap kong maging inhinyero, gagawin ko ang lahat makamit ko lamang ang pangarap na gusto kong makamtan balang araw. Ang isang maging matagumpay na Inhinyero. Ihalintulad na lamang natin itong karanasang to sa kasabihang “Kapag may tiyaga. May nilaga.” At dito ko masasabi na tunay na napakaraming magandang epekto ang larong “Mobile Legends: Bang Bang.”

            Para sa konklusyon ng naturang paksa na ito na tungkol sa pagkahilig ng mga kabataan gayun na rin ang nakakarami sa paglalaro ng “Mobile Legends: Bang Bang,” para sa akin, lubos na napakaganda ang epekto nito sa isang tao lalo na kung may pangarap ka sa buhay. Bagama’t ako ay nagkaroon na ng karanasan ng paglalaro sa nasabing Mobile Legends na ito, kapag nasimulan mo na siyang laruin, at habang tumatagal, napapamahal ka na rin sa larong ito. Hindi lang ang “statistics” mo sa game o kung paano o laruin ang larong to bagkus nababago ang iyong pananaw sapagkat sa bawat talon a iyong mararanasan sa larong ito, matutututo kang bumangon at subukan ulit kung paano ka makakatayo at mahahawakan muli at maririnig ang salitang “victory.” Hindi lamang ito tungkol sa larong “Mobile Legends” sapagkat habang tumatagal ang paglalaro mo nito ay hindi lamang sa laro mo ito nagagawa ngunit kaya mo rin itong gawin sa tunay na daan ng iyong buhay. Sa bawat pagsubok na makakasalamuha mo sa buhay mo, matalo ka man ng ilang beses, susubukan at susubukan mo pa ring bumangon para Manalo at makamit ang iyong ninanais na makamtan. Ito lamang ang isa sa mga natutunan ko sa larong ito. Dahil sa paglalaro ko nito, pag may bagay na gusto akong makamit, pinag aaralan ko ng mabuti, binibigyan ko ng atensyon, at oras. “Mythic” ang rank na pinakamataas sa larong ML, hindi sa pagyayabang pero sa kabila ng lahat ng mga laro ko, nakamit ko ito dahilan na lamang sa aking pagpupursigi. At dito pumapasok ang pangarap kong maging inhinyero, gagawin ko ang lahat makamit ko lamang ang pangarap na gusto kong makamtan balang araw. Ang isang maging matagumpay na Inhinyero. Ihalintulad na lamang natin itong karanasang to sa kasabihang “Kapag may tiyaga. May nilaga.” At dito ko masasabi na tunay na napakaraming magandang epekto ang larong “Mobile Legends: Bang Bang.”

Bibliograpiya:

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102010081

https://thinkgaming.com/app-sales-data/145898/mobile-legends/ 

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102010081

http://www.facebook.com/gmanews/posts/higit-94-million-na-ang-cellphone-subscribers-sa-pilipinasmas-marami-pa-sa-popul/10151480920296977/

radyo.inquirer.net/60518/mobile-phone-users-aabot-na-sa-5-bilyon-sa-kalagitnaan-ng-2017

http://www.youtube.com/watch?v=Cj_TdRopJuA

Mag-iwan ng puna