Inihanda ni: Paulinn Maree P. Cueto
Isang pangunahing usapin sa Pilipinas ang pagtatalungko o pagtitira sa lupa na pag-aari ng iba. Laganap ang kahirapan sa ating bansa kung kaya’t maraming pangunahing pangangailangan ang hindi natutugunan tulad na lamang ng matitirahan. Isa na nga rito ang mga taong naninirahan sa mga “squatter areas”. Sila rin ang mga taong kung tawagin ay iskuwater ng karamihan na naninirahan ng walang hawak na titulo ng lupa o mga nanirahan sa lupang pagmamay-ari ng gobyerno. Marami sa mga taong ito ay nagmula pa sa iba’t ibang probinsiya na piniling makipagsapalaran sa siyudad. Karamihan ay trabaho ang hinahanap upang matuguan ang kanilang pangangailan sa araw-araw. Ang iba naman ay pinipiling manirahan sa mga iskinita at riles kung saan nagtatayo sila ng maliliit na tindahan at ito ang ginagawang pangkabuhayan.
Ang suliraning ito ay isa sa mga mahahalagang usapin na kailangang bigyang pansin dahil ito ay hindi lamang upang bigyanang solusyon ang mga taong nangangailangan ng legal at permanteng tahanan kundi upang bigyang pansin din ang dulot nitong problema sa ating kapaligiran. Sa aking personal na perspektibo nararapat lamang na bigyan ito ng pansin lalo na sa madaling panahon sapagkat hindi magiging madali kung mas tatagal pa ang problemang ito. Maraming tao ang pwedeng maapektuhan, magiging mahirap din para sa gobyerno na ito ay solusyunan at maaring mas madagdagan pa ang mga pamilyang mapapabilang sa mga ilegal na naninirahan sa lupa ng iba.
Ayon sa batas bagamat marami na ang ginawa ng gobyerno upang solusyunan ito tulad na lamang ng demolisyon, may karapatan pa rin daw at hindi pwedeng basta-basta paalisin ang mga ito. Nakapaloob ito sa Repbulic Act 7279 na mas kilala bilang “Lina Law” na nagsasaad na dapat dumaan muna sa konsultasyon bago isagawa ang demolisyon ibig sabihin kabahagi ang mga residente sa desisyon at lilipatang lugar. Dapat may 30 – 45 Day Notice bago ang demolisasyon at may maayos na relocation site. Dapat may representasyon mula sa lokal na pamahalaan kung saan ito an magpapatupad ng maayos na demolisyon (GMA News, 2012). Tuwing demolisyon maraming tao ang ipinaglalaban ang kanilang katayuan. Nakikipasakitan sila upang hindi ituloy ang pagsira sa kanilang mga bahay at ari-arian.
(Diaz, 2019) Sinabi niya na lumabas sa pag-aaral ng environmental group na Kalikasan People’s Network for the Environment na 74% ng solid waste sa Manila Bay ay mga basura na nakolekta na at itinapon sa mga landfill. Lumitaw din umano sa pag-aaral ng Kalikasan na 5.01% lamang ng kabuuang solid waste sa Manila Bay na nanggaling sa mga informal settler na target na ma-relocate. “This debunks the government’s accusation that informal settlers are the main source of pollution in Manila Bay. First of all, we belong to the category of small earner families with very little purchasing power so there is no chance that we are capable of producing large volume of garbage,” saad ni Pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap. Ngunit kahit gaano kaliit ang porsyente na ambag nito may basura pa ring nailalabas mla sa mga ito,
“Simula ngayon, walang tao dito sa Pilipinas ang i-evict mo or i-demolish mo hanggang walang malipatan,” Ito ang saad ni Pangulong Duterte. Dagdag pa niya “Itong relocation, would need, siguro, a 20-year plan. Hindi ito pwedeng isang presidente na six years lang. Gagawa ka ng satellite cities, o paglipat mo ‘yung mga industries to decongest Manila. But you have to build economic activity of a certain place. ‘Pag walang trabaho, babalik ng babalik ‘yung mga tao. Eventually, ‘yung binigay mo na lupa sa relocation, ipagbili niya ‘yan tapos babalik siya at maghanap ng pwesto dito,” May mga bagay na talagang may napakahabang proseso upang maging matagumpay ngunit kung ito naman ay kapaki-pakinabang sa huli walang rason upang hindi ito subukan.
“Kung saan mo ilagay ‘yan sila, there must be an economic activity. Kasi ‘pag hindi, hindi ‘yan pupunta doon, babalik nang babalik ‘yan. Hindi mo mahinto ‘yan,” Ang mga katagang ito mula kay pangulong Duterte ay nararapat lamang upang mapabuti rin ang lagay ng mga informal settlers. Ngunit hindi rin maiiwasan na may mga taong nagmamatigas hanggang huli. Ipaglalaban ang mali dahil hindi nila makita ang magiging mabuting kahihinantnan kung susunod sila. Malinaw rin na maraming negatibong epekto ang pamamalagi ng mga settlers na ito tulad na lamang ng mga naninirahan sa may estero. Marami sakanila ay walang habas ang pagtatapon ng basura at dumi sa tubig na nagsasanhi ng polusyon at pagkamatay ng mga lamang tubig. Marami rin ang nagkakasakit sa kanila dulot ng pag-inom ng maruming tubig.
Sa pninimula ng rehabilitasyon sa bagong Manila Bay, tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahigit 40,000 pamilyang informal settlers na siyang pangunahing pinagmumulan ng basura at wastewater sa Manila Bay. Inikot ng ahensiya ang paligid ng Manila Bay para alamin ang kalidad ng tubig-dagat bago isakatuparan ang planong rehabilitasyon ng lugar. Ayon sa (ABS CBN News, 2019) Ilan sa pinuntirya ng DENR ang maraming residente sa Baseco compound, na aminadong nagtatapon sila ng basura at wastewater sa dagat. Ang kinatatayuan ng mga bahay ng informal settlers ay dating bahagi ng dagat pero sa dami ng basurang naipon ay maaari na itong lakaran at gawan ng mga estruktura. Paliwanag ng mga residente, wala talaga silang pagpipilian kundi itapon ang basura sa Manila Bay, kasama na ang pinaghugasan ng pinggan at pinaglabahan. Pabor naman ang maraming informal settlers sa relokasyon basta’t matiwasay daw ito.
“Kung may magandang malilipatan siyempre mas pabor kami,” ani Rosalie Banjao, nakatira sa Baseco.
Nakasaad sa (ABS CBN News, 2018) balak ipa-relocate ni Environment Secretary Roy Cimatu ang nasa daang libong “illegal settlers” sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon sa katubigan. Aabot sa 300,000 ang bilang ng mga taong nagtayo ng bahay o ilegal na naninirahan sa paligid ng Manila Bay. “Slowly siguro kasi (ang) capability naman natin to resettle ay talagang limited lang eh,” sabi ngayong Martes ni Cimatu.Nagbigay si Cimatu ng dalawang linggong palugit sa Manila Bay Coordinating Committee para makabuo ng work plan at simulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Madalas inaanod sa Baywalk at Roxas Boulevard ang basura mula Manila Bay lalo kapag nakararanas ng malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng malalakas na paghampas ng alon ang Kamaynilaan. Bukod sa dami ng basura, mataas din ang fecal coliform level ng Manila Bay o mataas ang antas ng bakterya sa tubig. Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, maaaring maging sanhi ang bakterya ng mga skin irritation o pangangati ng balat at diarrhea o pagtatae.
(PhilStar Ngayon, 2018) Noon pa man, mga informal settlers o squatters na nasa baybay-dagat, pampang ng mga estero at ilog ang nagpaparumi sa kapaligiran. Dahil sila ang nakatira sa mga pampang, tapon na lang sila nang tapon sa dagat o estero. Hindi na sila lalayo pa para magtapon ng kanilang basura. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi maubus-ubos ang mga nakalutang na basura sa dagat at sa mga estero.Ang mga squatter sa Maynila ang nagpaparumi sa Manila Bay. Lahat nang mga basura na itinatapon nila sa mga estero, Pasig River at iba pang water ways, tatangayin lahat sa Manila Bay. Namumutiktik ang basura at aanurin ito patungo sa baybayin ng Roxas Boulevard. Makikita ang mga basurang ito ng mga namamasyal sa Luneta at maski ng mga nakatira sa condo. Makikitang sobra nang polluted ang Manila Bay at naaamoy pa ang karumihan nito.
Sinabi mismo ni DENR Sec. Roy Cimatu na ang mga informal settlers sa Maynila at iba pang lungsod at bayan na nasa paligid ng Manila Bay ang dapat sisihin kung sobra na itong polluted. Lahat umano ng basura ng mga nakatira sa dalampasigan ng Manila Bay at mga pampang ng estero ay humahantong sa dagat. Pinag-iisipan na umano ng kanyang tanggapan kung paano ire-relocate ang mga squatters. Makikipag-meeting umano siya sa local governments at iba pang ahensiya sa posibleng paglilikas ng mga squatters. Hindi raw simple ang gagawing pag-relocate pero sisikaping magawa ito. Makikipag-usap umano sila sa mga pamilyang nakatira sa mga baybayin ng Manila Bay at mga estero.Matagal nang problema ito. Marami nang pinangako ang bawat administration na ililipat ang mga squatters. Pero lahat ay pawang sa salita lamang. May mga nagaganap na demolisyon ngunit dahil sa ningas-kugon na ugaling ito ng mga namumuno, lalo pang dumami ang mga squatters at ang resulta, dumami pang lalo ang basura at sobrang naging polluted ang Manila Bay at iba pang bahagi ng siyudad.
Sa napakalaking suliranin na ito, mahalaga ang panig ng mga taong ito at ng gobyerno. Maraming mabuting paraan na maaring gawin at ipatupad. Nararapat lang na pakinggan at tignan ang magiging kalalagyan ng bawat isa sa bawat desisyon na gagawin. Upang ma solusyunan ang problemang ito, dapat na maging responsable ang gobyerno sa pakikipag-usap sa mga naninirahan upang lubos na maintindihan nila kung bakit kailangan nilang umalis dito. Maari rin na bumuo ng mga programa para sa mga walang pinagkakakitaan o trabaho upang makapag bigay at makapag bukas ng maraming oportunidad para sakanila. Malaki ang kailangang pondo upang maisatupad ang mga pabahay para sakanila ngunit may mga tao pa ring pinipili na ibenta ang bahay na ibinigay sa kanila at patuloy na bumabalik sa nakasanayan nila. Ito ang ilan sa mga mali ng informal settlers. Sakabilang dako maari naman talagang tumira ang mga taong ito sa mga loteng napabayaan na at pagmamay-ari ng iba ngunit kung hindi sila magiging responsible, talagang dapat na paalisin sila. Marami ang naapektuhan sa simpleng pagtapon nila ng basura. At kapag patuloy ang pangyayaring ito, mas marami pa ang maging epekto nito sa ibang tao lalong lalo na sa kalikasan.
Babasahing Tinukoy:
ABS-CBN News. DUTERTE tells informal settlers: ‘No relocation, No demolition’. May 22, 2016.
https://news.abs-cbn.com/nation/05/22/16/duterte-tells-informal-settlers-no-relocation-no demolition
ABS-CBN News. 40,000 pamilyang informal settlers balak i-relocate kasabay ng Manila Bay rehab. Januray 13, 2019
https://news.abs-cbn.com/news/12/11/18/300000-illegal-settlers-sa-manila-bay-balak-i-relocate
Plipino Star Nayon. EDITORYAL – Squatters ang dahilan kaya daming basura sa Manila Bay. December 13, 2018
Diaz, Maricel. Basura sa Manila Bay, hindi lahat galing sa informal settlers – Pamalakaya. tnt Abante. 2019
Basura sa Manila Bay, hindi lahat galing sa informal settlers – Pamalakaya