Inilalahad ni: Drandrev Ivan V. Bondal
Ang plastik ay isang materyal na binubuo ng iba’t ibang mga sintetiko o semi-sintetikong mga organiko na malalambot at maaaring kortehin sa iba’t ibang mga hugis. Ang mga plastik ay tipikal na mga organikong polimer na mabibigat o may mataas na “molecular mass”, ngunit may kasamang ibang mga elemento o molekyul. Ang mga plastik ay madalas na sintetiko, o gawa ng tao, mula sa mga petrokemikal, ngunit marami ay may mga parteng natural.
Ito isa mga malaking problema sa buong mundo ang plastic pollution. Hindi lamang dito sa Pilipinas problema ang mga basurang plastic na lulutang-lutang sa dagat at mga estero. Maraming bansa ang nagdeklara nang paglaban sa plastic pollution at isa ang Pilipinas dito. Panawagan na ipagbawal na ang paggamit ng plastic sapagkat sinisira ang kapaligiran.
Bawat baybaying dagat nang maraming bansa ay namumulaklak sa sari-saring plastic na bagay na itinapon ng mga iresponsableng mamamayan. Walang pakundangan ang pagtatapon ng mga plastic. Sa isang pag-aaral, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang inaanod sa mga baybayin o coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, 7.5 million plastics ang nakakalat.
Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansang may pinakamalaking sources ng plastic pollution sa mundo. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia.
Sa pakikiisa ng Pilipinas sa paglaban sa plastic pollution, makabuluhan ang sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu sa kanyang State of the Environment Address. Sabi niya, tapos na ang araw ng mga nagbubulag-bulagan at gumagawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. Tutuldukan na aniya ang pag-abuso sa kalikasan. Mahigpit nang ipatutupad ang environmental laws, rules, regulations at ordinances.
Ngayong nananawagan na ang Pilipinas sa pagbabawal sa paggamit ng mga plastic, dapat magpakita ng halimbawa. Magkaroon nang kamay na bakal sa mga iresponsableng mamamayan na walang pakundangan kung magtapon ng plastic sa mga kanal at estero. Huwag nang patawarin ang mga sumasalaula at sumisira sa kapaligiran. Isang halimbawa ay ang pagdumi ng Boracay na naging dahilan kaya isinara ito kahapon na tatagal ng anim na buwan.
Labanan ang plastic pollution bago pa masira ang mundo. Tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng plastic.
Ayon sa mulatpinoy.ph, noong nagkaroon ng ordinansa sa iba’t-ibang mga munisipalidad at siyudad sa kalakhang Maynila ukol sa pagbabawas ng paggamit ng plastic, maraming natuwa bagaman may ilan din namang ikinabahala ang programang ito.
Samantala, nagprotesta naman ang iba sapagkat ang paggamit diumano ng brown/recycled paper ay nagdadagdag naman daw sa mga punong puputulin. Binanggit din ng grupong di sumasang-ayon sa mga kautusang ito na hindi pwedeng lagyang ng pagkain ang mga niresiklong papel at mas maraming tubig at enerhiya ang kailangan upang gumawa ng papel kaysa plastik. Dagdag pa nila, ang tunay na problema daw ng bayan ay ang hindi masusing implementasyon ng Waste Segregation Law.
Sa paglipas ng panahon, pihadong mararamdaman na natin ang magandang dulot ng programang ito. Unti-unti na nating binabawasan ang pagkonsumo ng plastic hanggang dumating ang panahon na hindi na natin nararamdamang sanay na pala tayo sa minimal na paggamit na lamang ng plastik. Sa katunayan, pirmi nang nakalagay sa bag ang telang paglalagyan ng maaaring bilhin sa daan galing trabaho upang ipakita ang pakikiisa sa layuning ito. Bukod doon, ang paghihiwalay din ng basura gaya ng posisyon ng ilang kababayan ay ipinatutupad kung saan malaking kabawasan sa itinatapon ang mga pwedeng muling gamitin at mairesiklo.
Sangunian: